CROCHET ITEMS FOR SALE

Image

BODY BAG: $10

Image

CELLPHONE POUCH: $6

Image

CELLPHONE POUCH: $7

Image

CELLPHONE POUCH: $7

Image

CELLPHONE POUCH: $6

 

*IF INTERESTED, PLEASE SEND ME A MESSAGE IN MY GMAIL ACCOUNT, rovie.mina@gmail.com

We will talk about how to purchase and get the item that you want especially if you are outside the Philippines.

 

Isang Karanasan ng Tunay na Nagmamahal

May mga tao ba talaga na darating sa buhay mo na mamahalin mo ng sobra? Yung tipong kahit ayaw mo na talaga ng dahil sa hirap na dinadanas mo, sakripisyo at masasakit na nangyayaring di maiiwasan, di mo pa rin magawang maiwan kasi mahal mo talaga. Yung tipong tangang-tanga ka na.. Na parang paminsan di mo na kilala sarili mo sa lahat ng mga pinagagagawa mong katangahan para lang sa taong to, pero hindi mo mapigilan ang sarili mong huwag gawin ang mga bagay na to kasi yun ang nararamdaman mo. Yung tipong tinutulak ka na palayo pero ikaw, patuloy mo pa ring pinagsisiksikan ang sarili mo kasi di mo kayang mawala yung tao. Yung tipong alam mong kapag ikaw ang bumitaw, magiging madali lang para sa kanya ang lahat pero para sayo halos mamatay-matay ka na sa sakit. Yung tipong hand among isakripisyo ang lahat para lang sa taong mahal mo kahit kapalit kinabukasan mo. Yung tipong nararamdaman mong marami ng nag-iba sa pakikitungo niya sayo pero ikaw, pilit mong pinapaniwala ang sarili mong normal lang yun. Yung tipong magugulat ka na lang isang araw, mararamdaman mo kung gaano mo kamahal yung taong to at unti-unting ipapaalala sayo yung una mong naramdamang pagmamahal sa kanya, walang katumbas at parang walang hanggang pagmamahal sa taong to. Yung tipong kahit alam mong ikaw ang tama, ikaw pa rin ang magpaparaya, magpapatawad, susuyo para lang matapos na ang gulo. Yung tipong kahit gustong gusto mo ng bumitaw dahil sobrang sakit na, wala ka pa ring magawa kasi mahal mo talaga, di mo kayang magising na lang isang araw na wala na siya. Yung tipong nagiging makasarili ka na dahil sa pag-isip lamang sa nararamdaman mo at hindi pag-intindi na ang tanging kagustuhan niya lang ay ang ikaw ang bumitaw sa relasyong matagal niya ng gustong iwan. Yung tipo ng pakiramdam na tuwing makikita mo ang mga litrato niyong dalawa, mararamdaman mo na lang na kahit sa tagal mo na siyang kasama, na dapat nagsasawa ka na sa kanya dahil sa tagal na ng panahon, kabaliktaran pa nito ang mararamdaman mo. Mas lalo mong mararamdaman kung gaano mo siya kamahal at kung gaano mo ayaw siyang mawala sa buhay mo.

Naniniwala ako na ang mga pakiramdam at karanasang ito ang nararamdaman at nararanasan ng mga taong tunay at lubos na nagmamahal. Alam kong iisa lang ang nararamdaman ng mga taong sobrang nagmamahal sa karelasyon nila. Depende lamang siguro sa tipo ng tao na tinamaan ni Kupido. Pero kung titingnan, lahat ay nararanasang magpakatanga at magbulag-bulagan para lang sa taong mahal nila.

Ngunit paminsan, maiisip mong hindi patas ang mundo. Bakit kung sino yung mga sobra mong minamahal, sila yung mga taong hindi ka gaanong mahal. Sila yung mga taong madalas nakakasakit pa sa puso mo. Sila yung mga taong makakapagpabago sayo. Pero kung tutuusin, patas lang ang mundo. Bakit? Dahil may mga tao rin sa buhay mo na sobra rin ang pagmamahal sayo pero dahil sa iba ka nakatuon, hindi mo makita at maramdaman ang tunay nilang pagmamahal. Ito rin ay dahil masyadong malaki ang iyong expectations sa kanila kaya’t masyado kang nasasaktan kapag hindi nila kayang ibalik ang pagmamahal naa pinapakita mo sa kanila.

Masarap at mahirap ang makaramdam ng tunay na pagmamahal. Pero sa bandang huli, maiisip mo na maswerte ka dahil nakaranas ka na magmahal ng tunay at walang kapantay, minahal ka man niya o hindi.

This entry was posted on May 6, 2012. 1 Comment

Hello world!

Welcome to WordPress.com! This is your very first post. Click the Edit link to modify or delete it, or start a new post. If you like, use this post to tell readers why you started this blog and what you plan to do with it.

Happy blogging!